Natimbog ng mga otoridad ang isang binata sa isinagawang comelec checkpoint sa Barangay Alabiao, Tuao, Cagayan ngayon araw, Enero 23, 2022.Kinilala ang suspek na si Lorenzo Pagulayan Jr. y Fronda, 25 anyos, Guro at residente ng Asinga Via, Baggao, Cagayan.Batay sa report ng PNP Tuao, bandang 12:15 PM kanina tanghali, Enero 23, 2022 sa Barangay Alabiao, Tuao, Cagayan nang magsagawa ng Comelec Checkpoint ang mga kapulisan ng Tuao Police Station, Regional Mobile Force Battalion 2 at 1st Cagayan Provincial Mobile Force Company sa pakikipag koordinasyon sa Comelec ay napara nila ang isang Mitsubishi Montero na kulay itim at walang plaka o conduction sticker. Sa kanilang isinagawang pagsisiyasat batay sa Plain View Doctrine at nang ibinaba ng suspek ang bintana ng kanyang sasakyan ay agad nakita ng mga kapulisan ang isang short firearm revolver. Agad naman inaresto ang suspek matapos na wala itong maipakitang dokumento na magpapatunay na legal ang kanyang pagbibitbit ng baril.Nakumpiska mula sa suspek ang isang unit ng caliber 22 revolver na may markang cal. 22.Lt.HW3 TELL na may karga ba pitong bala at isang holster. Isinagawa ang pagiimbentaryo at pagkuha ng larawan ng mga ebindesya kasama ang suspek at Barangay Officials ng nasabing lugar.Nahaharap ang suspek sa kasong Paglabag sa RA 10591 and Omnibus Election Code at kasalukuyan nasa kustodiya ng Tuao Police Station para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.