Bumagsak sa kamay ng PNP ang suspek sa pangho holdap sa isang shopping center sa lungsod ng Santiago kahapon.
      Nakorner ang suspek na si Ernesto Fernando, 39 anyos sa isinagawang hot pursuit operation ng pinagsanib pwersa ng Santiago City Police Station 1 at Echague Police Station sa liblib na bahagi ng Brgy Dicaraoyan, Echague, Isabela sa pakikipagtulungan ng Philippine Army na nakabase sa nabanggit na lugar.
 
      Narekober ng pulisya ang nakulimbat ni Fernando na pera na umabot sa144,000.00 pesos. Narekober din ang isang itim na Honda click 150 mula sa bayaw nito, tatlong cellphone, isang smith and wesson cal 22 revolver na may limang bala.
      Inihahanda na ang kasong Robbery with Intimidation, paglabag sa RA 10591 at paglabag din sa Omnibus Election Code in relation to COMELEC Resolution No. 10728.